Biyernes, Oktubre 18, 2013

7. RCBC Massacre

Ni: Jasper Feliciano

Isa sa mga kinikilalang madugong massacre na nangyari sa ating bansa ay naganap noong Mayo 16, 2008 at nasa loob pa ito ng isang bangko. Sa loob mismo ng RCBC Cabuyao Branch nangyari ang isa sa mga naturang karumal-dumal na pamamaslang. Sinasabing sampung katao ang tinatayang pinaslang ng hinihinalang Javier-Lucido gang. Ang mga biktima ay pinagbabaril lahat sa kanilang mga ulo.

Bukod sa pamamaslang, aba'y nagnakaw pa ang mga suspect! Tinatayang nasa 9 na milyong piso ang nakulimbat ng mga kawatan. Sa ngayon, sarado na ang kaso ng RCBC robbery-massacre at ang lider ng grupong pumaslang at nagnakaw sa mga tauhan ng RCBC Cabuyao Branch na si Jake Javier ay sumuko na sa mga awtoridad. Nakatala naman ngayon ang RCBC robbery-massacre na pinakamadugong panloloob sa isang bangko sa ating bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento