Vizconde Massacre.
Isa sa mga kilalang kasong pinag-uusapan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa
buong mundo noong dekada 90. Isang sensitibong isyu ang kasong ito na biktima
ang pamilya Vizconde. Pinatay ng walang kalaban-laban ang mag-iina na sina
Estrelita Vizconde at ang dalawang anak nito na si Carmela at Jennifer. Naganap
ang krimen sa mismong bahay nila sa BF Homes Paranaque habang ang haligi ng
tahanan na si Lauro Vizconde ay wala sa bansa noong panahong iyon. Masakit para
kay Lauro Vizconde ang sinapit ng kanyang mag-iina.
Lumitaw sa
imbestigasyon na ang pangunahing suspek ay sina Hubert Webb at ang mga kasama
nito. Si Jessica Alfaro ang star witness na nagsuplong kila Webb at isinalaysay
niya sa korte kung paano pinatay ang mag-iinang Vizconde. Ipinagtanggol naman
ni Hubert Webb ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita ng video na siya ay
nasa Amerika nang maganap ang krimen. Hindi ito pinanigan ng korte, bagkus ay
nakulong at nahatulan ng reclusion perpetua si Hubert Webb at iba pang akusado.
Nakamit na ang hustisyang pinakaaasam-asam ni Lauro Vizconde para sa kanyang
mag-iina pero hindi niya akalaing kukunin din pala ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento