Martes, Oktubre 22, 2013

3. Hacienda Luisita Massacre

Ni: Jerui May Santos

Isa sa mga pinaka-madugong pamamaslang na nangyari noong panahon ng Pangulong Corazon Aquino ay ang Hacienda Luisita massacre. Dahil sa kagustuhan ng mga Cojuangco na mapaalis ang mga man-gagawa ng Hacienda, nangyari nga ang isa sa mga madudugong krimen sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nag-ugat ang nangyaring pamamaslang sa alitan ng partido ng mga mag-gagawa ng Hacienda at ng pamilya Cojuangco. Ang reporma sa lupa ang siyang puno't dulo ng mga alitan ng dalawang partido. Hindi tinupad ng mga Cojuangco ang hiling ng mga magsasaka na gawin ang naturang reporma sa lupa. Nagsimula nang magplano ng isang pag-aaklas ang mga manggagawa noong panahong iyon.

Sa panahon ng pag-aaklas, walang awang pinagbabaril ng ilang pwersa ng gobyerno ang mga mangagawang nag-aklas. Tinatayang pitong katao ang namatay sa pamamaril at maraming tao ang nasugatan. Sa ngayon ay natupad na ang reporma sa lupa at nagkaroon na ng hustisya ang nagyaring pamamaslang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento