Martes, Oktubre 22, 2013

4. Mendiola Massacre

Ni Wilfred Dela Cruz


Noong January 22,1987, ang mga magsasaka ay nagdesisyong magtungo sa Malacanang Palace sa kagustuhang maiparating ang kanilang hinaing sa halip na makipag-makipag negosasyon kay Heherson Alvarez. Mula Quezon city Memorial Circle nagmartsa ang mga magsasaka kasama ang ibang pang militanteng grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno, Bagong Alyansang Makabayan, League of Filipino Students at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod . Sa ganap na 1:00 ng hapon nang marating ng mga Militanteng grupo ang Liwasang Bonifacio nang mga oras na yon ay nagtalaga nan g mga Anti riot Personel sa ilalim ng pamumuno ni commander Gen. Ramon Montano, Task Force Nasarenomula sa pamumuno ni  Col. Cesar Nazareno at Police Force sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Alfredo Lim. Karagdagan din dito mga Marine Civil Disturbance  Control Batalion, dala ang mga Marines army trucks, water cannons, fire trucks at dalawang Mobile Dispersal Teams dala ang tear gas delivery gear.

Ang bilang ng mga Militanteng grupo ay umaabot  ng 10,000 hanggang  15,000 nang mga oras na narating nila ang Claro M Recto Avenue sila ay silalubong ng mga pulis nagkaroon ng girian at tulakan sa pagitan ng mga militante at mga pulis, sa kadahilanang napakaraming bilang ng mga militante nasira nito ang barikada ng mga pulis, hanggang sa umalingawngaw na ang mga putok ng baril at mabilis na umatras ang mga militante hanggang sa patuloy parin ang malalakas na putok ang umalingawngaw na nagpaatras na sa mga militante tumungo sa Malacanang. Labing dalawa agad ang kumpirmadong patay sa nangyaring pamamaril. Tatlomput siyam ang sugatan dahilan din ng pamamaril at labing dalawa ang nagtamo ng mababaw na sugat. Si Presidente Corazon Aquino ay nagtalaga ng masusing imbestigasyon  sa pangyayaring ito sa pangunguna ni Vicente Abad Santos at itinuturo ng prosekusyon na ang lahat ng Western Police District at ang Integrated National Police Field Force ang mga armado nung mga panahon na nangyayari ang protesta. Nagmarka ng malaki ang massacre na ito sa kasaysayan ng Pilipinas.

1 komento: