Ni: Dexter Perez
Noong ika-13 anibersaryo ng Martial Law, Setyembre 24,1985, nagkaroon ng pagtitipon sa Escalante Public Plaza and Market sa Escalante City, Negros Occidental. Libu-libong mga tao ang sinasabing dumalo sa pagtitipon. Kabilang diyan ang mga mag-tutubo, magsasaka, mangingisda, mahihirap sa syudad, mga propesyunal at maging ilang estudyante. Maraming mga nakabantay na pulis at iba't-ibang mga di-kilalang may armas na sibilyan. Noong pagkatapos magsalita at nang makaalis ang mayor ng Escalante na si Mayor Braulio P. Lumayno kasama ang noo'y Congressman na si Rep. Armando Gustilo, nagsimula na ang isa sa pinaka madugong pamamaslang na nangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Tinatayang nasa humigit-kumulang tatlumpu ang namatay at 30 rin di-umano ang nasugatan sa insidente. Patuloy pa ring humihingi ng hustisya ang mga kaanak ng naging biktima ng massacre na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento