Ni: Mariella Joy Gonzales
"Maguindanao massacre" o kilala rin sa tawag na "Ampatuan Massacre" ay isa sa mga pinakamarahas at kagimbal gimbal na pangyayari sa ating bansa na naganap noong ika-23 ng Nobyembre 2009 sa Ampatuan, Maguindanao sa pulo ng Mindanao na humigit-kumulang 58 ang bilang ng mga namatay sa naturang insidente. Ang Maguindanao Massacre ay may kaugnayan sa halalan noong 2010.
Makapangyarihan ang pamilya Mangundadatu at pamilya Ampatuan sa Maguindanao. Ang pamilya Ampatuan ang kasalukuyang naghahari sa lalawigan at kinikilalang salarin sa pangyayaring ito. Ang pamilya Mangundadatu naman, ang biktima at ang dapat ay magpapasa na ng kanilang papeles sa pagkandidato kasama ang kanilang mga tagasuporta, mamamahayag at kanilang abugado, ang kalaban ng pamilya Ampatuan. Ang 58 biktima ng massacre ay dinakip at pinaslang. Sa pangyayari ng insidenteng ito maraming inosenteng tao ang naapektuhan. Ang mga mamamahayag at ilang tao ay humingi ng hustisya para sa kanilang kapwa mamamahayag at abugado.
Bakit nga ba nila ito ginawa? Para patunayan na makapangyarihan sila? Para sa pera? Dahil sa impluwensya? Kahit saang angulo natin tingnan ang kasong ito, walang tama. Pinatunayan lang ng mga Ampatuan na duwag sila, takot silang matalo ng Mangundadatu sa halalan. Nakakalungkot lang na hindi sila lumaban sa eleksyon, ginamitan pa nila ng dahas at kabalbalan.Sa dulo, nabigyan naman ng hustisya ang mga apektado, dahil hinuli at kinasuhan ng pagnanakaw, pagdakip at pagpaslang si Andal Ampatuan, Jr. at ang 20 pang mga kasamahan nito.